Oil price hike na naman!
Oil price hike na naman!

MANILA, Philippines – Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas.
Ito na ang ika-apat na oil price hike kung saan pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Eastern Petroleum, at Petro Gazz ang dagdag presyo na P0.80 sa kada litro ng gasoline at diesel habang nasa P0.85 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.
Magpapatupad din ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipatutupad alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay may dagdag na presyo na P0.65 sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.70 sa kanilang diesel na magiging epektibo alas-4:01 bukas ng ng hapon.
Ang isinagawang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.
Matatandaan na nito lang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.35 sa kada litro ng diesel at P0.15 sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes
Oil price hike na naman!
Source: Filipino Pinoys
Oil price hike na naman!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento