Feeding program ng AKOOFW tuloy sa gitna ng pandemya
Feeding program ng AKOOFW tuloy sa gitna ng pandemya
MANILA, Philippines – Umabot sa halos 500 residente sa bayan ng Balete, Batangas ang nakinabang sa libreng pagkain sa pag-iikot ng AKOOFW mobile kitchen sa CALBARZON.
Sinabi ni Nald Santos, Vice-Chairman for Reintegration & Education ng AKOOFW na patuloy ang pagseserbisyo ng organisasyon sa mga pamilyang pinadapa ng pandemya.
Tinupad ni Santos ang kanyang pangako na pagbibigay ng pagkain sa mga Pilipinong apektado ng pandemya, lalo na sa mga kamaganak ng OFWs.
Personal na pinangsiwaan ni Santos ang pamimigay ng Batangas lomi sa mga taga-Balete nitong nakaraang Linggo
Mahigpit naman na ipinatupad ang health protocols sa nasabing feeding program para matiyak na walang mahahawa ng virus.
Katuwang ni Santos sa pamamahagi ng ayuda si Russel Aranez na tubong Balete, Batangas. RNT
Feeding program ng AKOOFW tuloy sa gitna ng pandemya
Source: Filipino Pinoys
Feeding program ng AKOOFW tuloy sa gitna ng pandemya
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post


Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento