Angel, insecure kay Solenn!

Manila, Philippines – Sa podcast ni Matteo Guidicelli, inamin ni Angel Locsin na na-insecure siya noon kay Solenn Heusaff.

Sobrang bilib daw kasi siya sa beauty ng French-Pinay actress at model.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, ilang beses daw kasi silang nagkasabay noon sa look tests ng mga commercials.

Aniya, tuwing nakikita raw niya noon si Solenn sa audition ay naiisip niyang umuwi na lang.

IT Girl daw kasi at kumpletos rekados para sa kanya si Solenn.

“Alam kong maganda ako, pero hindi yung magandang-maganda. Alangan namang sabihin ko, ang pangit ko. Wala nang ibang pupuri sa akin kundi sarili ko,” ani Angel .

Ibinahagi rin niya ang madalas na pagtatagpo ng landas nila ng Kapuso actress.

“Kunwari si Solenn. Dati, lagi ko nakakasabay ‘yan sa VTR. Wala pang GMA nu’n. Mga commercial pa lang. Nagko-commute ako simula Caloocan papuntang Makati. So, nakailang bus ako, ‘tapos mag-e-MRT pa ‘ko,” kuwento niya.

Pero kahit daw pinagpapawisan siya,  try pa rin siya dahil gusto niyang makipagsapalaran.

“Pawis ka pa rin naman. Haggard ka pa rin. Papasok si Solenn, galing kotse. Ang ganda-ganda ni Solenn talaga!” sey ni Angel.

“Alam mo ‘yung gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha, ‘yung ganu’n,” dugtong niya.

Nang pareho silang makapasok na sa showbiz at nagkapangalan, noon lang daw niya naikumpisal kay Solenn kung ano ang naramdaman niya noon dito.

“Later on, after so many years, kinausap ko na si Solenn. ‘Solenn, alam mo ba dati ‘pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?’ Hindi niya ako natatandaan,” pagbabahagi niya.

Hirit pa niya, nang maging kaibigan daw niya si Solenn, na-realize raw niya kung gaano kabait ito.

“Hindi siya yung snob, ah. Mabait talaga siya. So, tawa lang siya nang tawa, ‘Naku, Gel, sorry,’ guma-ganu’n siya. ‘Ba’t ka, nagso-sorry?’” tsika niya.

Sina Angel at Solenn ay pareho nang followers ng isa’t-isa sa kanilang Instagram accounts. Archie Liao



Angel, insecure kay Solenn!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento