Abogado pinagbabaril sa SoCot

KORONADAL CITY— Patay ang isang abogado matapos na pagbabarilin sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Kinilala ni Surallah Mayor Antonio Bendita ang biktimang si Atty. Juan Macababad.

Base sa paunang ulat, dalawang magkaangkas na lalaki ang pumunta sa bahay ng abogado sa Barangay Poblacion, bandang alas-5 ng hapon.

Tinawag umano nila ang abogado at binuksan naman ng 60-anyos na biktima ang gate ng compound at dito na umano siya pinagbabaril ng mga suspek.

Dinala pa sa Javelosa Hospital si Macababad pero hindi na nailigtas pa.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. RNT



Abogado pinagbabaril sa SoCot
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento