PNP handang magpatupad ng granular lockdown sa MM

Manila, Philippines – Iginiit ng Philippine National Police na handa ang kapulisan para sa pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila na magsisimula sa Setyembre 8.

“Ang pagpapatupad ng granular lockdown ay solusyon na nakikita ng ating pamahalaan na balansehin ang pagbubukas ng ekonomiya at ang kontrolin ang pagkalat ng COVID-19,” saad ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar.

Sinabi ng PNP na nasa 51 barangay sa Metro Manila ang nagpapatupad ng granular lockdowns.

Paalala ni Eleazar sa publiko, makiisa sa mga ipinapatupad ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng COVID.  RNT/FGDC



PNP handang magpatupad ng granular lockdown sa MM
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento