5-day relief efforts sa Capiz isinagawa ni Bong Go

CAPIZ – Limang araw nagsagawa ng relief efforts ang grupo ni Senator Bong Go sa lalawigan ng Capiz at mahigit 11 libong essential workers na apektado ng krisis dulot ng pandemya ang nabibiyayaan ng ayuda.

Kasabay nito, hinimok ni Go ang mga nasabing manggagawa na suportahan ang pagsisikap ng gobyerno na labanan ang COVID-19 pandemic.

Kinilala at pinuri rin niya ang essential workers at economic frontliners sa kanilang patuloy na pagseserbisyo sa kani-kanilang komunidad sa gitna ng patuloy na banta ng virus.

Sa kanyang mensahe sa mga isinagawang relief efforts sa Roxas City, Dao at Sigma, pawang sa Capiz, ipinaalala ni Go sa lokal na pamahalaan na gumawa ng mga karampatang hakbang para mabigyan ng suporta at proteksyon ang mga manggagawa sa lahat ng orasa ng kanilang pangangailangan.

“Mga kababayan, alam po namin na nahihirapan kayo pero kailangan namin ang kooperasyon ninyo. Hindi biro na naka-mask at face shield tayo parati at bawal maghawakan pero pakiusap, sumunod muna tayo so gobyerno. Huwag kayong mag-alala dahil malalampasan din natin ang krisis na ito basta’t nagtutulungan at nagmamalasakit tayo,” ayon kay Go.

“Kung may maitutulong pa kami ni Pangulong Rodrigo Duterte, sabihan niyo lang kami at tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya. Walang tulog ang aming serbisyo, lalo na sa panahong pinaka-nangangailangan ang mga Pilipino,” pangako niya.

Namahagi ang grupo ni Go ng iba’t ibang klase ng ayuda sa may 11,387 essential workers na hinati-hati sa maliit na grupo sa Dinggoy Roxas Civic Center at Capiz State University sa Roxas City, Dao Social Hall, at Civic Center sa Sigma.

Ang mga nakatanggap ng ayuda ay binubuo ng market vendors at mga kasapi ng local Tricycle Operators and Drivers Association.

May ilan na binigyan ng mga bagong sapatos, bisikleta at computer tablets para sa kanilang mga anak na mag-aaral.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development, namahagi rin sa mga benepisyaryo ng financial assistance na magagamit sa maliit na pamumuhunan.

“Malaki talaga ang naging epekto ng pandemya. Wala akong trabaho ngayon at may maliit na tindahan lang ako. Kung dati nakakabenta ako ng limang daan sa isang araw, ngayon hindi na nakakaabot ng one hundred. Nagpapasalamat ako kay Senador Bong Go para sa tulong niya at makakadagdag ito sa aking tindahan at pangtustos sa bahay,” sabi ni Emilia Gadian, 62, ng Roxas City.

Samantala, naglunsad din ang senador ng relief efforts sa tinatayang 10,000 economic frontliners sa Dumarao, Cuartero, Ivisan, Mambusao, Pontevedra, President Roxas, Tapaz, at Pilar simula August 20 hanggang 21. RNT



5-day relief efforts sa Capiz isinagawa ni Bong Go
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento