3 miyembro ng Espenilla gun runner syndicate arestado sa QC

Manila, Philippines – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO Regional Special Operation Group at QCPD Police Staion 16 ang tatlong miyembro ng notoryus na Espenilla gun runner syndicate matapos na kumagat sa buy-bust operation kaninang madaling-araw (September 1) sa Quezon, City.

Kinilala ni NCRPO Director PMGEN Vicente Danao ang mga nadakip na sina   Luis Anabi y Espenilla, 40-anyos,  residente ng Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan, Rona Castañeda y Ramos, 38, ng Block 15 Lot 6, MGV Loma de Gato, Marilao, Bulacan at Edmundo Salido y Abastillas, 45, nakatira sa  Brgy. Minuyan Chalo, San Jose del Monte,Bulacan.

Ayon kay PMAJ Arnel Bautista, team ng ng NCRPO-RSOG, pasado 1:10 ng madaling aras nang ikasa ang operasyon sa parking area ng McDonalds Fastfood, Belfast Avenue Branch,  Brgy Pasong Putik Proper, Novaliches, Q.C.

Nagkunwari ang mga pulis na bibili ng baril at nang iabot ang pera ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga kapulisan sa illegal na pagbebenta ng mga high powered na mga baril sa area ng Quezon City ng naturang grupo na pinamumunuan ni alyas ‘Alex’ na ang sentro ng kanilang operasyon ay sa lalawigan ng Bulacan, Region 3 at Metro Manila.

Napagalaman na nasa halagang P160,000 ang binibentang M4 rifle ng grupo habang ang shotgun naman ay P40,000 ang benta ng mga ito.

Lumalabas na  si Castañeda at Salido na mga naaresto ang responsable sa pagbebenta ng mga baril sa mga lawless elements personalities at sa mga  politician na may kaugnayan na rin sa nalalapit na election at iba pang mga criminal activities.

Nakumpiska mula sa tatlo ang isang shotgun at magazine na may 12 na bala, 2 piraso ng M4 at 2 magazine na mayroon 13 na bala, isang puting multicab na may plakang MFK 421, iba’t-ibang identification  card, BDO ATM, calling cards, 3 cellphone at ginamit na buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at kapwanahaharap sa kasong RA 10591 o ang  Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Jan Sinocruz



3 miyembro ng Espenilla gun runner syndicate arestado sa QC
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento