Taxi driver na nagpapahinga sa Roxas Blvd, utas

Patay ang isang taxi drayber nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa kahabaan ng Roxas Blvd, Ermita, Manila.

Kinilala ang biktima na si Danilo Pagnanawon, 59 anyos at taga Valenzuela City.

Binaril sa ulo ang biktima habang nagpapahinga sa Roxas Blvd pasado alas 2 ng hapon ngayong Sabado .

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento