P300 bayad sa yellow card alisin – Rep. Garin

Manila, Philippines – Pinatatanggal ni Iloilo Representative Janette Garin ang P300 fee sa pag-iisyu ng yellow card o International Certificate of Vaccination and Prophylaxis (ICVP).

“Baka puwedeng i-waive na muna ‘yung P300. Congress should lobby for that. We owe it to our OFWs (overseas Filipino workers),” lahad ni Garin.

Suportado naman nina Representative Wes Gatchalian at Ciriaco Gato ang naturang panawagan.

Ang yellow card ay ang iniisyung dokumento ng Bureau of Quarantine kung saan ipakikita ito sa ibang bansa bilang patunay ng COVID vaccination. RNT/FGDC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento