3 menor pugot-ulo sa sagasa ng tren

MANILA, Philippines – Napugutan ng ulo at halos hindi na makilala ang tatlong menor de edad na nasagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) kagabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat, tinatayang nasa edad na 16, 17 at ang isa pa ay dipa tiyak ang kanyang pagkakilanlan dahil na rin sa matinding pinsala na tinamo.

Pasado alas 6 umano ng gabi nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Adrian Perlas, nakarinig na lamang sila ng sigawan  sa may riles sakop ng Barangay 630.

Nang kanyang tignan, nakahandusay na ang tatlong biktima na dumayo lamang sa lugar upang maglaro ng basketball.

Bagamat bumusina ang tren, hindi umano alam ng mga biktima kung saan sila tatabi dahil hindi nila kabisado ang lugar.

Patuloy lang iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente habang inaalam pa ang body number at nagmamaneho ng tren nang masagasaan ang mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento