MANILA, Philippines – Pumalo sa 19, 441 ang bilang ng bagong kaso ngayon ng coronavirus disease sa bansa .
Ito na ang pinakamataas na bagong kaso na naitala ng Department of Heath mula nang tumama ang COVID-19 pandemic sa buong mundo
Dahil dito, malapit na ring sumampa sa dalawang milyon ang kabuuang kaso kung saan umabot na ngayon sa 1,935,700.
Halos kapantay naman ng naitalang bagong kaso ang bilang ng bagong gumaling ngayong araw
Sa datos, umabot sa 19,191 ang bagong recoveries ngayong araw.
Bunsod nito, nasa 1,760, 013 na ang nakarekober sa sakit.
Umabot naman sa 167 ang bagong namatay sa COVID-19 kaya ang kabuuan ay nasa 33,008 na ngayong August 28.
Samantala ang aktibong kaso ay umakyat na rin sa 142,679 kung saan ang mild cases ay nasa 95.5 %.
Nasa 1.8% ang asymptomatic at 1.1% ang severe case. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento