1,725 Pinoy ‘enrolled’ na sa Ph real-world study sa ‘effectiveness’ ng COVID-19 vax

Manila, Philippines – Naka-enroll na ang nasa 1,700 adult Pilipino sa “immunosurveillance” study upang matukoy ung epektibo at tumatalab ang coronavirus disease (COVID-19) vaccines na nabigyan ng emergency use authorization (EUA) sa bansa, batay sa Department of Science and Technology (DOST).

Sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development (R&D) Dr. Rowena Cristina Guevara na nitong Agosto 20, may kabuuang 1,725 Pilipino kasama na ang hindi pa nababakunahan at full vaccinated na ang nakiisa sa pag-aaral na isasagawa sa Philippine General Hospital (PGH) sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Regina Berba ng University of Philippines (UP)-Manila.

“As of August 20, the number of participants recruited at the UP-PGH site is 1,725,” saad nito sa Manila Bulletin.

Habang mula sa naturang bilang, 869 indibidwal ang sumailalim sa anti SARS-CoV-2 antibody testing.

Sa kabila nito, 15 ang hindi bakunado; 488 ang naturukan ng Sinovac; at 366 naman ang nabakunahan ng AstraZeneca.

“Recruitment of participants is ongoing,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento