KAMAILAN ibinuking ni Dr. Erwin Erfe ang labanan ng pharmaceutical companies at gusto ng isa na makorner ang merkado ng bakuna sa COVID-19.
Sabi ni Dr. Erfe, may dalawang doktor na affiliated sa Sanofi Pasteur na naninira sa Sinovac para lang isulong ang pagbebenta at paggawa ng Pfizer sa Pilipinas.
Itong mga doktor umano na ito ang naninira sa Sinovac sa pagsasabing mahina ito laban sa COVID-19 kumpara sa lakas ng Pfizer.
Matatandaang simula nitong Enero 2021, nag-partner na ang Pfizer BionTech at Sanofi Pasteur para gumawa ng 100 milyong dose na Pfizer gamit ang planta ng huli sa Germany at sinasabing nagsimula na silang gagawa ng Pfizer vaccine nitong nakaraang buwan.
Ang Sanofi Pasteur ang gumawa ng bakunang Dengvaxia na kinasuhan ng Public Attorney’s Office na kinabibilangan ni Dr. Erfe.
Daan-daan na ang mga kasong isinampa ng PAO laban sa Sanofi kaugnay ng pagkamatay ng daan-daang bata na binakunahan ng Dengvaxia.
Isa pang gawa umano ng mga doktor ang pagsasabing anti-vaccine ang PAO dahil sa ginagawa nitong pagsasampa ng kaso kaugnay ng Dengvaxiaq at maaaring anti-vaccine din ukol sa COVID-19?
Sabi ng Dr. Erfe, hindi nakikialam ang PAO sa negosyo ng mga pharmaceutical companies lalo’t katwiran ng mga ito na katulong nila ang pamahalaan sa pagsagupa sa pandemya.
Sa halip, sumusuporta sila sa anomang hakbang ng pamahalaan, kasama na ang pagbabakuna, para mawakasan na ang pandemya sa Pilipinas.
Kaya hindi umano pupwedeng sabihin ng mga personalidad o doktor na kaalyado ng Sanofi Pasteur na may gawa ng Dengvaxia na anti-vaccine ang Public Attorneys Office.
Diin ni Dr. Erfe, kailanman daw ay hindi sila mai-involve sa mga Public Health issue dahil ang ginagawa raw ng PAO at Forensic laboratory nito ay imbestigahan ang mga namatay namatay sa Dengvaxia.
‘Yun lang daw ang role ng PAO at laboratoryo nito at hindi sila namumulitika, kasama ang mga doktor na nagsasagawa ng mga imbestigasyon sa mga injured, nagkasakit at namatay pagkatapos na mabakunahan ng Dengvaxia.
Nosi balasi ba ang dalawang doktor, Doc Erfe?
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento