MANILA, Philippines—Habang tumataas ang bilang ng pediatric COVID cases, panawagan ni Vice President Leni Robredo sa publiko na hintayin ang desisyon ng pamahalaan sa pagbabakuna kontra COVID sa mga indibidwal na may edad 18 pababa.
Aniya, dahil hindi siya eksperto sa kalusugan pinaubaya niya na sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagbibigay ng “go-signal” sa pagbabakuna ng kabataan.
“Marami na ngayong mga pag-aaral na ginagawa [sa] safety at saka efficacy ng pagbakuna sa mga bata. So iyon iyong hinihintay natin,” saad ni Robredo sa Vaccine Express program sa Quezon City.
Giit pa ni Robredo, alam niya umano ang mga balita tungkol sa pagtaas ng kaso ng COVID sa mga bata dahil hind inga sila bakunado.
Samantala, naiulat ng Philippine General Hospital (PGH) ang anim na pediatric patient na kasalukuyang ginagamot dahil sa COVID-19.
Batay rin sa ulat, isa umanong bata ang nasawi na dahil sa komplikasyon dulot ng COVID.
Ngunit nitong linggo, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa ito ang oras upang bakunahan ang mga bata dahil kulang pa niya sa suplay. RNT/Riza Guarin-trainee
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento