MANILA, Philippines – Hindi pa maaring magrekomenda ang mga eksperto sa bansa kung anong klaseng bakuna ang maaring ibigay bilang second dose sa Sputnik V.
Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire kaugnay sa sinabi ni Sec.Carlito Galvez na maaring tumanggap ng AstraZeneca vaccine ang mga nabakunahan ng unang dose ng Sputnik V kung magkakaroon pa ng delay sa delivery ng suplay.
Dagdag pa ni Vergeire, pinag-aaralan pa aniya ang sitwasyon ngunit sinabi niya na kailangan ding maintindihan ng ating mga kababayan na ang component 1 at component 2 ng Sputnik V ay magkaiba bagamat pareho ito ng platforms.
Kaya kailangan aniya talagang antayin ang second dose ng Sputnik V.
“Ngayon pong nade-delay itong Soutnik V , syempre ang ating mga eksperto together with our government officials are discussing what would be our options ” pahayag pa nito sa online press briefing
Tinitignan na rin aniya ang iba-ibang bakuna na ginagamit na sa bansa kung ano ang mas akma sa Sputnik V.
Pero sa ngayon wala pa aniyang kumpletong ebidensya kahit ang AstraZeneca o ang tinatawang na Sputnik Light kaya ang ating mga eksperto ay nagrekomenda na magkaroon ng pag uusap din para i-evaluate ang ibat ibang platforms .
Sumulat na rin naman aniya ang gobyerno sa manufacturers at hiniling na dapat maideliver na ang suplay ng Sputnik V vaccine para sa second dose. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento