MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion III na dapat limitahan ang paggalaw ng mga hindi bakunado kontra coronavirus disease (COVID-19).
Ani Concepcion, ipinatutupad sa ibang bansa ang pagbabakuna sa mga indoor gatherings.
“Whatever action we take should be toward moving to allowing an environment to be lockdown-free. We should aim for a future that is lockdown-free for the whole country,” pahayag ni Concepcion.
Saad pa nito na kailangang magpatupad ng restriksyon sa mga hindi bakunado sa sandaling makamit ng lokal na pamahalaan ang 70 hanggang 80 porsyento ng vaccination rate.
“When we talk of allowing only the vaccinated to enter public places like malls and restaurants, we can only do this in an LGU once we have achieved the target of getting 70 to 80% vaccinations in that LGU,” paliwanag ng opisyal.
Ayon pa kay Concepcion, dapat magpatupad rin ng “bubbles” sa mga fully vaccinated.
Sa huling tala, 24.479 milyong na ang nakatanggap ng bakuna kung saan 11.39 milyong ang kumpleto-bakunado mula sa 39.5 milyong suplay ng bakuna ng bansa. RNT/ELM
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento