Higit 70K pulis kumpleto-bakunado na kontra COVID

MANILA, Philippines – Mahigit 70,000 pulis na ang fully vaccinated kontra coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar.

Kumpleto-bakunado na ang 79,082 pulis habang 92,914 ang nakatanggap na ng unang dose mula sa tinatayang 220,000 populasyon ng hanay.

Dahil dito, 22.45 porsyento o 49,786 na lamang ang hindi nakatatanggap ng bakuna.

Samantala, umakyat na sa 32,464 ang kabuuang bilang ng sakit sa hanay matapos makapagtala ng 106 bagong kaso.

Sa bilang, 30,402 na sa mga ito ay gumaling na habang 92 na ang mga nasawi.

Ang panibagong nasawi dahil sa COVID ay isang 50 anyos na pulis sa Region 1. RNT/ELM


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento