MANILA, Philippines – Sumampa na sa 1,741,616 ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH), nadagdagan pa ng 14, 749 ang bagong kaso ngayong August 15.
Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 10,720 na karagdagang recoveries dahilan para umabot sa kabuuang 1,608,528 ang gumagaling na sa virus.
Gayunman tumaas naman ang aktibong kaso na sumipa na sa 102,748.
Ang namamatay sa impeksyon ay umakyat na rin sa kabuuang 30,340 matapos makapagtala ng karagdagang 270 na deaths ngayong araw.
Ayon sa DOH, ang pagpapaigting ng ating pag-iingat ang susi sa muking pagbangon ng buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento