HCWs magkakasa ng mass protest; tinawag na sinungaling si Duque

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng malawakang kilos-protesta ang mga health worker laban sa hindi pa naibibigay na benepisyo.

Ayon kay Alliance of Health Workers (AHW) national president Robert Mendoza, bubuohin ito ng mga health worker mula sa mga pampubliko at pribadong ospital.

“Kami rin ay mag-a-announce rin, kasama ng private hospitals, ng mga malakihang pagkilos para iparating sa gobyerno ‘yung ating mga hinaing, grievances, at pagkadismaya sa panahong ito,” ani Mendoza sa isang online forum.

Siniguro naman ng AHW na mananatili ang skeletal workforce sa mga ospital.

Una nang sinabi ng Department of Health na nailabas na ang P9 bilyong special risk allowance.

“Kaya ko sinasabi na sinungaling… Nagpapahayag kayo sa mga media na ang mga health worker sa private sector ay nabigyan ng sinasabi ninyong benepisyo. Ano nga po ‘yung benepisyo? Hindi nga po natatanggap ‘yung nakapaloob doon sa DOH Administrative Order 2020-0054,” para naman kay Jao Clumia, presidente ng St. Luke’s Medical Center Quezon City Employees Association.

Tinawag din ni AHW secretary general Benjamin Santos Jr. si Health Secretary Francisco Duque III na sinungaling matapos punain ng Commission on Audit ang DPOH sa hindi maayos na paggamit ng P67.32 bilyong pondo.

Ang lagi niyang sinasabi ay wala siyang magagawa sapagkat isa lamang siya sa ahensya ng gobyerno na tumutugon dito. Subalit ngayon, malalaman pala natin na ang karamihan at bilyon-bilyong pondo ng DOH ay misused, unused, at unutilized,” giit nito.

“Kaya po direktang masasabi natin na nagsisinungaling si Secretary Duque sa harap ng milyon-milyong mga health worker,” saad pa ni Santos. RNT/ELM


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento