4 staff ni Roque sapul ng COVID

MANILA, Philippines—Inanunsyo ngayong Huwebes ni Presidential Spokesperson Harry Roque na apat sa kaniyang staff member ang nagpositibo sa COVID-19.

“Mayroon po kaming apat na positibo sa aming tanggapan ‘no, apat lang naman po at isa lang po iyong—that required hospitalization at hindi siya fully vaccinated ‘no – isang driver po sa ating tanggapan ‘no,” aniya.

Iginiit naman ni Roque na hindi siya close contact person ng apat na nagpositibo.

“Wala po akong kahit anong close contact sa kanila kasi skeleton workforce lang po kami dito sa Office of the Presidential Spokesperson. Sa ngayong araw po parang siyam na tao lang po ang naririto ngayon sa aking tanggapan,” paliwanag niya.

Matatandaang tinamaan ng COVID-19 si Roque ng dalawang beses pero nakarekober naman ito. RNT/Riza Guarin-trainee


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento