3 pulis nagpositibo sa COVID Delta variant — PNP

Manila, Philippines — Nagpositibo ang tatlong pulis sa COVID-19 Delta variant, batay sa Philippine National Police (PNP).

 “Tatlong kaso ng Delta variant ang naitala sa aming hanay,” lahad ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa pahayag.

“Sa ngayon ay nakatutok ang aming Health Service sa kanila upang tugunan ang kanilang pangangailangan para sa mabilis na paggaling, at kasama na rin dito ang agresibong contact-tracing upang tukuyin kung sino ang kanilang naging close contact.”

“Paalala ko din sa ating mga police commanders na panatilihin ang kalinisan sa mga police stations at laging mag-disinfect sa kanilang mga opisina para hindi maging sanhi ng hawaan at lalong pagkalat ng COVID-19,” dagdag pa nito.

Sa datos ng PNP ngayong Sabado, may kabuuang 32,239 kaso na sa hanay ng kapulisan kung saan 1,915 ang aktibong kaso; 30,235 gumaling; at 89 nasawi. RNT/FGDC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento