ikinabahala
Sunod-sunod na pagkakahuli sa mga Senegalese na may fake documents, ikinabahala

MANILA, Philippines – NAALARMA ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) hinggil sa dumaraming bilang ng mga Senegalese na kanilang nahaharang dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumentasyon.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nababahala umano ito sa mga pagharang kamakailan sa mga Senegal nationals na nahuling nagmamay-ari ng mga pasaporte na may mga pekeng BI stamp at visa.
“This implies that there might be a syndicate that defrauds these Africans and offers to fix their documents, but instead gives them fake ones,” ayon kay Tansingco.
Naunang iniulat ng BI hinggil sa pagkakasabat sa tatlong Senegalese na pasahero kabilang ang dalawang menor de edad sa Mactan-Cebu International Airport (NAIA) sa tangkang pag-alis na may pekeng BI stamps sa kanyang pasaporte.
Sa isinagawang eksaminasyon ng forensic documents laboratory ng BI sa kanilang pasaporte, lumalabas na ang Schengen visas na idinikit sa kanilang pasaporte ay peke rin.
Sa unang bahagi ng buwang ito, iniulat din ng BI na naharang ang aplikasyon ng isang taga-Senegal na may pekeng BI stamp na nakadikit sa kanyang pasaporte.
Dahil dito, naglabas ang BI ng immigration alerts para sa kanilang mga frontliners.
“Foreign nationals in the country should not seek the assistance of fixers that promise to process your papers illegally,” ayon kay Tansingco.
“Report these fixers immediately to the police so they can be arrested and jailed,” dagdag pa nito. JAY Reyes
Sunod-sunod na pagkakahuli sa mga Senegalese na may fake documents, ikinabahala
Source: Filipino Pinoys
ikinabahala
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Sunod-sunod na pagkakahuli sa mga Senegalese na may fake documents
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento