Selosong kelot nanaksak ng live-in partner kaibigan

MANILA, Philippines – KULONG ang isang lalaki matapos na saksakin nito ang kanyang kaibigan at live-in partner nang magselos kagabi sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Nicolas Torre III ang nadakip na si Julio Ordinario Navarro, 34 anyos, residente ng No. 42 Sinagtala St., Brgy. Batasan Hills, Q.C.

Nakilala naman ang mga biktima na sina Jenalyn Maja Gaan, kinakasama ng suspek, at Niño Francis Enseñada Delos Angeles.

Ayon kay Batasan Police Station 6 (PS6) commander PLTCOL Morgan Aguilar, pasado alas-8:00 ng gabi nang magtungo si Delos Angeles sa bahay ni Navarro para ipagdiwang ang kaarawan nito.

Napagalaman na nagkaroon ng inuman ang magkaibigan kasama ang live-in partner ng suspek.

Sinasabi na sa kalagitnaan ng inuman ay napansin ni Navarro ang pagiging malapit ng kanyang kaibigan sa kanyang kinakasama sanhi upang magselos ito at kumuha ng kutsilyo saka sinasak si Delos Angeles sa tiyan gayundin si Gaan.

Nang mahimasmasan sa nagawang krimen, agad na dinala ng suspek ang mga biktima sa Rosario Maclang Hospital.

Pinagbigay naman ng duty guard  sa PS6 na mayroong stabbing incident sanhi upang magtungo sa nasabing ospital ang kapulisan at bandang 12:02 ng hatinggabi  (May 2) ng kanilang arestuhin si Navarro at narekober ang 12 na pulgadang kitchen knife.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“Makakaasa ang ating mamamayan sa Lungsod Quezon na patuloy ang ating operasyon upang maaresto ang mga suspek na gumagawa ng ganitong karahasan. Pananagutin sila ng batas sa kanilang ginawang kasamaan,” saad ni Torre III. Jan Sinocruz



Selosong kelot nanaksak ng live-in partner, kaibigan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento