Lola kinatay ng kabitbahay na tambay

Bulacan – Arestado ang isang 57 anyos na lalaking makailang beses sumaksak, tumaga at nakapatay sa isang babaeng 56 anyos sa bayan ng Paombong.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang suspek na si Fernando Camba, tambay, habang ang kalunos-lunos na biktima ay si Elena San Juan kapwa may-asaqa at residente ng Sitio Looban, Brgy. San Isidro 1.

Sa report na nakarating kay Arnedo, naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya ang suspek sa pananaga nitong Abril 18 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa opisyal ng Brgy. San Isidro 1 na may nangyaring pananaga sa lugar kaya agad silang rumesponde.

Sinasabing isinugod pa ang biktima sa Bulacan Medical Center subalit namatay din sa kanyang mga tinamong sugat habang mabilis na tumakas ang suspek.

Nalamang nabanggit pa ng biktima sa isang saksi ang nangyari at ang pangalan ng suspek bago nalagutan ng hininga kaya naaresto ito.

Narekober na rin ng pulisya ang bolong ginamit ng suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya.(Dick Mirasol III)



Lola kinatay ng kabitbahay na tambay
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento