Philippines news
Water sample sa dagat sa Oriental Mindoro pumasa na sa quality standard – PCG

MANILA, Philippines – Matapos sumailalim sa pagsusuri ang water sample, lumabas sa resulta na pumasa umano sa ‘quality standard’ ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kalidad ng tubig sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kumuha ng sample ng tubig ang kanilang survey team sa mga baybayin ng siyam na barangay sa bayan ng Pola at dalawang barangay sa Naujan upang masukat ang lebel ng kontaminasyon at kondisyon nito na bahagi ng kanilang Shoreline Clean-up and Assessment Technique (SCAT) na ikinasa nitong Marso 23.
“(Samples) Passed the water quality standards set forth by Department Administrative Order 2016-08 in compliance with Republic Act 9275, or the Philippine Clean Water Act of 2004,” ayon sa PCG.
Wala na rin umanong nakikitang lumulutang na langis sa katubigan, wala nang ‘oil rubbing’ sa tao at mga bangka, walang nakikitang langis sa ‘surface substrate’, walang ‘mobile oil’ sa ‘subsurface’, wala nang ‘oiled debris’, negatibo ang resulta sa ‘Hydrogen sulfide test’, at walang patay na hayop o isda na may langis sa dalampasigan.
Kasama sa nakiisa sa operasyon sina DENR-Environmental Management Bureau (DENR-EMB), Aloysius Angelus John Bandoy, French expert na si Mikael Laurent of Cedré, at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Water sample sa dagat sa Oriental Mindoro pumasa na sa quality standard – PCG
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Water sample sa dagat sa Oriental Mindoro pumasa na sa quality standard – PCG
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento