Comelec hihirit ng transpo allowance sa mga guro sa BSKE
Comelec hihirit ng transpo allowance sa mga guro sa BSKE

MANILA, Philippines – Hihilingin ng Commission on Elections (Comelec) sa state auditors na maglabas ng transportation allowance para sa mga guro na magsisilbi sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.
Sa public briefing, sinabi ni Comelec George Garcia na patuloy silang makikipag-ugnayan sa Commission on Audit para maibigay ang transportation allowance mula sa bahagi ng honoraria ng mga guro.
Nitong Huwebes, Marso 23, sinabi ng Comelec na ang mga guro na magseserbisyo sa panahon ng botohan sa BSKE ay tatanggap ng P4,000 increase sa kanilang honoraria.
Samantala, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ngayong Biyernes na ang pagtaas ay mananatiling “hindi sapat” dahil sa 20% na bawas sa buwis.
Iginiit ng grupo na ang ₱8,000 hanggang ₱10,000 honoraria para sa mga manggagawa sa botohan ay ibigay nang buo, walang buwis.
Noong Hulyo 2022, ibineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang hakbang na humihiling ng tax exemption sa mga poll workers dahil ito ay sumasalungat sa government’s tax program.
Sinabi ng ACT na natatamasa na sana ng mga poll workers ang malaking bayad sa serbisyo sa halalan mula noong nakaraang May 2022 elections kung hindi lang na-veto ng Pangulo ang panukalang batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Comelec hihirit ng transpo allowance sa mga guro sa BSKE
Source: Filipino Pinoys
Comelec hihirit ng transpo allowance sa mga guro sa BSKE
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento