Abarrientos wagi bilang  Rookie of the Year sa KBL

MANILA, Philippines – Sumikat sa kanyang unang taon sa Korean Basketball League ang dating Gilas Pilipinas guard na si RJ Abarrientos kung saan nanalo ito ng Rookie of the Year Award kahapon para sa 2022-2023 KBL season.

Pumoste ang dating FEU standout, na naglalaro ngayon para sa Ulsan Hyundai Mobis Phoebus, ng mga average na 13.6 puntos, 2.9 rebounds, 4.8 assists — pang-apat sa liga — at 1.4 steals — pangatlo sa pangkalahatan — upang maging nangungunang freshman ng liga.

“This (award) brings me a lot of confidence in my career,” ani ng  5-foot-11 guard sa kanyang acceptance speech habang pinasasalamatan nito ang kanyang teammates at fans.

Kasalukuyang sumasagupa sa playoff ang  pang-apat na ranggo na Ulsan sa kartadang 34-20 win-loss record at inaasahang muling babangon sa magandang play ni Abarrientos.JC



Abarrientos wagi bilang  Rookie of the Year sa KBL
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento