Oil spill clean-up sa OrMin
Oil spill clean-up sa OrMin, patuloy

MANILA, Philippines- Sinabi ng may-ari ng MT Princess Empress ngayong Sabado na patuloy ang pagsisikap sa oil spill response sa Naujan, Oriental Mindoro, ilang linggo matapos lumubog ang barko.
Sa isang pahayag, sinabi ng RDC Reield Marine Services na ang response efforts ay patuloy na umuunlad matapos makatanggap ng payo mula sa
independent international expert sa oil spill na International Tanker Owners Pollution Federation Limited (ITOPF).
Gayundin aniya ang mga tug boat na may naangkop na spill response equipment ay patuloy na nakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa at-sea containment at recovery ng oil spill.
Dagdag pa ang sets na darating– ang ROV “Hakuyo” at workboat “Shin Nichi Maru.”
Dagdag pa ang itinatag na mga operation base ng kumpany sa pagtugon sa oil spill ng French na Le Floch Depollution (LFD) at mga lokal na kontratista sa Pola, Oriental Mindoro at Semirara Island, habang ang mga work crew ay aktibong nag-aalis ng langis mula sa mga priority cleanup site.
Magkatuwang na nagsasagawa ng shoreline surveys at clean-up plans ang PCG, local government at ITOPF na dadalhin ng itinalagang contractor ng may-ari ng barko na LFD at mga response contractors.
Patuloy din ang aerial survellaince ng natitirang oil at-sea upang ma-assess ang direksyon ng lawak ng spill habang ginagamit ang satellite imagery para maunawaan ang kabuuang trajectory ng langis at ang mga potensyal na epekto nito.
Sinabi ng PCG nitong Martes na ang MT Princess Empress ay may dalang 900,000 litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito sa Oreintal Mindoro noong Pebrero 28.
Hinihintay pa rin ng PCG ang resulta ng imbestigasyon kung kapabayaan ang dahilan ng paglubog ng motor tanker o kaso ng force majeure. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Oil spill clean-up sa OrMin, patuloy
Source: Filipino Pinoys
Oil spill clean-up sa OrMin
patuloy
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento