Kelot tiklo sa P1.4M shabu

BACOLOD CITY- Naaresto ng mga pulis ang 23-anyos na hinihinalang drug pusher at nasamsam ang 216 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,469,276 sa isang buy-bust operation sa Barangay 6, San Carlos City, Negros Occidental nitong Lunes.

Sinabi ni Lt. Col. Jesus Mesahon, San Carlos City police chief, na ang suspek na si Mark John Quijano ng Barangay 6, ay isang high-value individual dahil sa malaking halaga ng hinihinalang shabu na nakumpiska sa kanya.

Inihayag din ni Mesahon na dalawang linggong tinitktikan si matapos mabanggit ng naarestong drug suspects ang kanyang pangalan.

Sinabi ng San Carlos City police chief na ilan sa mga nakumpiskang shabu ang nakatago sa Chinese tea plastic bag at hindi pa natutukoy ang pinagmulan ng kontrbando.

Sinusuri na umano ang background ng suspek para matukoy ang posibleng kaugnayan sa iba pang drug personalities. RNT/SA



Kelot tiklo sa P1.4M shabu
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento