24 katao tiklo sa warrant day ops sa Laguna
24 katao tiklo sa warrant day ops sa Laguna

MANILA, Philippines – Dalawamput-apat na katao ang inaresto sa isinagawang “Warrant Day” operations sa loob lamang ng isang araw ng Philippine National Police sa Laguna, sa bisa ng warrant of arrest na pawang may mga kasong rape, illegal drugs, at attempted murder sa magkakahiwalay na lugar sa nabanggit na lalawigan.
Kabilang sa 24 na naaresto ay ang dalawang most wanted person sa Provincial Level sa Laguna na kapwa may kasong RA 7610 sa bayan ng Nagcarlan at Kalayaan.
Bukod dito ay tatlong most wanted persons pa sa City/Municipal Level na pawang may kasong RA 9165, RA 7610 at attempted murder ang naaresto naman sa San Pedro City, Cabuyao City at bayan ng Luisiana gayundin ang 19 na wanted persons.
Base sa report ni P/Col. Randy Glenn Silvio Provincial Director ng Laguna PNP kay P/BGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., Regional Director ng PRO4 Calabarzon, nadakip ang mga suspek sa loob lamang ng isang araw sa isinagawang “Warrant Day” Operations ng Laguna PNP kung saan matagumpay na ipinatutupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa suporta ng mga concern citizens sa bawat barangay sa nabanggit na lalawigan.
Ang “Warrant Day” ng Laguna PNP ay isang pamamaraan upang mapabilis ang pag-aresto sa mga akusadong nagtatago sa batas.
Samantala, ang mga naarestong suspek ay magkakahiwalay na nakapiit sa San Pedro City PNP, Nagcarlan PNP Kalayaan PNP, Luisiana PNP at Cabuyao City PNP. Ellen Apostol
24 katao tiklo sa warrant day ops sa Laguna
Source: Filipino Pinoys
24 katao tiklo sa warrant day ops sa Laguna
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento