2023 Global Korea Scholarship, umarangkada na; 14 Pinoy, nakasama!

MANILA, Philippines – Umarangkada na ang 2023 Global Korea Scholarship kung saan 14 na Filipino ang pipiliin ng Korean Embassy sa Manila para makasali dito.

Nagsimula nitong Biyernes, Pebrero 10 ang aplikasyon at magtatagal hanggang sa Pebrero 28.

“Through this scholarship, students will have the chance to pursue graduate-level degrees and doctoral-level degrees at esteemed higher education institutions in Korea,” saad sa pahayag ng embahada.

Pipiliin ang 14 na estudyante mula sa Pilipinas, sa pamamagitan ng embassy track, para kumpletuhin ang graduate program.

Sakop ng scholarship ang round trip airfare tickets, monthly stipend, tuition fees, fees, settlement allowance, Scholarship Completion Grants, Korean language training expenses at medical insurance.

Inaasahang tatakbo ng tatlong taon ang Master’s Degree Program kabilang ang isang taon na Korean language program.

Samantala, ang Doctoral Degree Programs naman ay maaaring tumagal ng hanggang apat na taon kasama ang isang taon para sa language class.

Layon ng taunang GKS program na magbigay oportunidad sa libo-libong mga estudyante sa buong mundo para makapag-aral sa Korea, at ang pagkuha naman sa Filipino scholars ay simbolo ng pagkakaibigan ng Seoul at Manila.

Batay sa huling GKS guidelines, ang aplikante ay kwalipikado kung siya ay Filipino national mas mababa sa 40-taon gulang, o ipinanganak matapos ang Setyembre 1, 1983.

Dapat din na mayroon itong cumulative grade point average (CGPA) ng kabuuang curriculum sa nakalipas nilang degree program (either bachelor’s or master’s) sa mga sumusunod:

• Score percentile should be 80 percent or above on a 100-point scale or be ranked in the top 20 percent of one’s class
• CGPA must be equal to or above 2.64/4.0, 2.80/4.3, 2.91/4.5 or 3.23/5.0

Para sa iba pang detalye, maaaring bumisita ang aplikante sa website ng Korean Embassy na https://ift.tt/Z6bT5UB. RNT/JGC



2023 Global Korea Scholarship, umarangkada na; 14 Pinoy, nakasama!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento