2 pa sugatan sa saksakan
Binatilyo todas, 2 pa sugatan sa saksakan

Bulacan – Patay ang isang 20 anyos na lalaki habang dalawa ang sugatan matapos pagsasakin ng ka-duwelo nila sa lungsod ng San Jose Del Monte(SJDM).
Kinilala ang napatay na si Miguel Martinez, live-in partner habang ang dalawang sugatan ay sina Marc Luise Martinez, 22 at Marcelito Jr Martinez, 47 kapwa residente ng Harmony Hills, Brgy. Muzon.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si Jay- R Dilobino, 26, binata ng Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Sa report ng pulisya,nangyari ang insidente bandang alas-9 ng umaga nitong Enero 21 sa isang tindahan ng isda sa Brgy. Muzon.
Ayon sa report, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mauwi sa suntukan ang mga ito.
Sa kasagsagan ng suntukan ay biglang tumakbo ang suspek sa kanyang delivery truck na kumuha ng combat knife at sinaksak ang biktima sa kaliwang babang bahagi ng dibdib.
Tutulungan sana nina Marc Luise at Marcelito ang biktima subalit hinarang sila at pinagsaksak sa ibat-ibang parte ng katawan ng suspek.
Nang humupa ang gulo ay itinakbo ang mga biktima sa Tala hospital subalit binawian ng buhay si Miguel kalaunan.
Agad naman nahuli ng mga rumespondeng tanod sa lugar ang suspek at isinuko kalaunan sa pulisya na nahaharap sa kasong Murder at Frustrated Murder.
Sinasabing kasalukuyang nagpapagaling na ang dalawang biktima sa naturang hospital. Dick Mirasol III
Binatilyo todas, 2 pa sugatan sa saksakan
Source: Filipino Pinoys
2 pa sugatan sa saksakan
Binatilyo todas
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento