6 minasaker ng Mexican drug cartel sa US
6 minasaker ng Mexican drug cartel sa US

CALIFORNIA – Lima katao ang minasaker ng hinihinalang drug cartel mula sa Mexico sa estadong ito sa United States kahapon.
Kinilala ni Tulare County Sheriff Mike Boudreaux ang mga biktima na sina Rosa Parraz, 72; Eladio Parraz Jr, 52; Jennifer Analla, 50; Marcos Parraz, 19; Elyssa Parraz, 16, at anak nitong si Nycholas Parraz, 10 buwan.
Ayon kay Boudreaux, pinagbabaril sa ulo ang mga biktima at klaro umanong sinadya ang pagpatay.
Isa lang sa mga biktima ang nakaligtas nang iharang nito ang kanyang mga paa sa pintuan na ginustong pasukin din ng mga suspek.
May dalawa nang suspek ang mga pulis at tinutugis na ang mga ito.
Nauna rito, ni-raid ng mga pulis ang ilang lugar at bahay na pinagtataguan ng mga pinaghihinalaang mga miyembro ng drug cartel at nakakumpiska ang mga ito ng mga marihuwana at shabu.
Naglabas na ang mga awtoridad ng $10,000 bilang pabuya sa sinomang makapagtuturo ng kinaroroonan at pagkakilanlan sa mga suspek. RNT/FC
6 minasaker ng Mexican drug cartel sa US
Source: Filipino Pinoys
6 minasaker ng Mexican drug cartel sa US
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento