VP Sara nag-ala manghuhula: PBBM ‘magkaka-apo’ ngayong 2023

MANILA, Philippines- Nag-ala manghuhula si Vice President Sara Duterte at sinabing magkakaroon ng apo ang kanyang 2022 elections running mate na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.

Sa vlog na ini-upload sa YouTube channel ni Marcos Jr. nitong Linggo, hinulaan ni Duterte na magkakaroon ng apong babae ang Pangulo ngayong 2023.

“Oh wow, merong blessing,” sabi ni Duterte kay Marcos matapos hilingin ng supporters na basahin ang palad ng huli.

“Oh ano ‘yong blessing? tanong ni Marcos Jr.

“May apo na darating,” sagot ng Bise Presidente.

Sinabi rin niya na magiging babae ito.

“Marunong ka ba talaga magbasa n’yan, sa’n mo nakikita […] Teka buburahin ko, mag-huhugas ako, buburahin ko muna ‘yon,” pabirong sabi ni Marcos.

Bago angnasabing vlog, inilabas ng dalawang lider ang kani-kaniyang mensahe para sa Bagong Taon, kung saan muling nanawagan si Marcos para sa “unity” habang hiniling ni sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang bayanihan at resiliency. RNT/SA



VP Sara nag-ala manghuhula: PBBM ‘magkaka-apo’ ngayong 2023
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento