MANILA, Philippines – Maagang pinilahan ng mga deboto ang First Friday Mass sa Quiapo Church sa lungsod ng Maynila para sa taong 2023.

Tulad ng mga nakaraaang misa, ang papasok o entrance ay sa bahagi ng Carriedo at Carlos Palanca kung saan mahaba rin ang pila.

Nakaagapay naman ang Manila Police District, force multipliers at Hijos del Nazarenos sa pagsiguro ng kaayusan sa lugar. RNT



TINGNAN: First Friday ng 2023 sa Quiapo
Source: Filipino Pinoys