Comelec: Pilot test ng RAP registration
Comelec: Pilot test ng RAP registration, matagumpay!

MANILA, Philippines- Maganda ang simula ng pilot test ng Register Anywhere project (RAP) na nagpapahintulot sa mga botanteng Filipino na makapagrehistro sa mga itinalagang booth sa ilang mga piling malls, ayon sa Commission on Election(Comelec) Chairman George Garcia.
Dahil sa matagumpay na pagdaraos ng RAP, sinabi ni Garcia na dapat ginawa na ito noon pa dahil kaya naman pala aniyang gawin ang naturang hakbang at sinabi na dapat tangkilikin ng mga Pilipino.
Nagsagawa ng pilot test ng RAP ang Comeloec sa limang piling malls sa National Capital Region at sa probinsya.
Ang RAP ay para sa kuwlaipkadong botante na kasalukuyang wala sa lugar kung saan sila residente.
Dagdag pa, inaasahan ni Garcia na maglagay ng 80 malls sa buong bansa at ang programa ay available din sa overseas voters.
Samantala, sinabi ni Garcia na ang pagpapatuloy ng voter registration ay available mula Lunes hanggang Sabado ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa lahat ng local Comelec offices.
Nanawagan si Garcia sa publiko na maagang magparehistro at huwag nang makipagsabayan sa huling araw ng registration.
“The more voters, the greater the opportunity that we can strengthen our democracy in our country,” ani Garcia.
Ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang kabataan elections (BSKE)ay nagsimula noong Disyembre 12 at tatagal hanggang sa katapusan ng Enero 31,2023.
Tatakbo naman ang RAP registration mula Disyembre 17,2022 hanggang Enero 25,2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Comelec: Pilot test ng RAP registration, matagumpay!
Source: Filipino Pinoys
Comelec: Pilot test ng RAP registration
matagumpay!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento