naging scorer sa anniv nina Ice at Liza!
Sylvia, naging scorer sa anniv nina Ice at Liza!

Manila, Philippines – Gullible din pala si Sylvia Sanchez kahit ganoon kagaling na aktres.
Nagsisilbing katibayan na madaling mauto si Sylvia ay ang mga larawan ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño na ipinost ng una sa Instagram.
Makikita sa larawan na nag-i-smooch ang couple samantalang sa isang gilid nakaupo ang nakabusangot na si Sylvia.
Kuha ‘yon sa isang resto.
Caption ni Ice: “Happy anniversary, my love. Nagsisisi na ‘yung kasama natin.”
Ang tinutukoy ni Ice ay si Sylvia na obyus na hindi ikinatutuwa ang eksenang tumambad sa kanya.
Doon lang ipinaalam ng mag-asawang Ice at Liza na ipinagdiriwang nila ang kanilang anibersaryo.
Taong 2014 nang magpakasal ang dalawa sa Amerika.
Kaya pala hindi maipinta ang mukha ni Sylvia, buong akala raw niya kasi’y meeting ang pupuntahan nila.
May kinalaman ang meeting sa repeat ng matagumpay na Becoming Ice concert ng OPM icon sa Cebu come February 2023.
“Akala ko meeting sa Waterfront. Malay ko ba na anniversary n’yo…tukaan kayo nang tukaan,” himutok ni Sylvia.
Dumepensa naman si Liza, “Nagtatrabaho naman tayo, ‘Nay, eh.”
Tugon ni Sylvia na lumabas pang scorer ng couple: “Sige, happy anniversary. Magtatakip na lang ako ng tenga.”
Paboritong i-goodtime nina Ice at Sylvia ang isa’t isa, kaya naaliw ang mga netizens.
Ang maganda, game na ring nakikiloko si Liza to think that she used to hold a respectable position as chair of the Film Development Council of the Philippines.
Down-to-earth kung down-to-earth! Ronnie Carrasco III
Sylvia, naging scorer sa anniv nina Ice at Liza!
Source: Filipino Pinoys
naging scorer sa anniv nina Ice at Liza!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Sylvia
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento