Rider tepok sa Urvan

MANILA, Philippines – Patay ang isang rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa Nissan Urvan kagabi, Disyembre 1 sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang namatay na si Kandao Kali Gudi, 29 anyos, residente ng B24 L52 Kakar St., Maharlika Village Taguig City, na rider ng Suzuki MC file no. 0401- 1207814.

Agad namang naaresto ang suspek na si Rommel Azurin Guingon, 63, nakatira sa No. 36 Buick St., South Fairview Quezon City, na driver ng Nissan Urvan na may plakang XNF 653.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), Traffic Sector 5, bandang 9:50 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Commonwealth Ave., corner Camaro St., Brgy. Fairview, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PCpl Jess M. Domigan ng Traffic Sector 5, binabaybay umano ng rider ang kahabaan ng Commonwealth habang ang suspek naman ay kumakaliwa sa Camaro St., sa nasabing barangay.

Dahil dito ay sumalpok ang motor ng biktima sa kanang bahagi ng sasakyan ng suspek at tumilapon ang rider ng ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng aksidente.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang rider subalit binawian din ito ng buhay dakong 11:57 ng gabi, ayon kay Dr. Jessie Minsalve dahil sa grabeng pinsalang tinamo sa ulo.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa driver ng Nissan Urvan. Jan Sinocruz



Rider tepok sa Urvan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento