PBBM may nais pang maisakatuparan bago bumaba bilang DA chief

MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes na mayroong mga bagay na nais niyang maisakatuparan bago bumaba bilang Agriculture chief.

“Actually I have a timetable for that. There are certain things that I would like to achieve before leaving the Department. So, hindi pa tayo nandoon but of course maraming lumalabas na pangalan, tuloy-tuloy ang pagtingin namin so hopefully, by the time na ‘yung checklist ko natapos na, mayroon na tayong pwedeng i-nominate na DA,” ani Marcos.

Nang tanungin kung ilang personalidad ang kinokonsidera niya na mamuno sa DA, sinabi ni Marcos na “the list keeps changing.”

“May nawawala, may nadadagdag…” pahayag ni Marcos.

Nauna nang inihayag ni Marcos na bababa lamang siya sa kanyang pwesto bilang Agriculture chief kapag naikasa na ang structural changes sa departamento.

Binigyang-diin niya na ang mahirap ang mga problema sa DA na “it will take a president to change and turn it around,” at idinagdag na ang mga problema ng bansa sa agrikultura ay “very deeply embedded.”

Inilahad ni Executive Secretary Lucas Bersamin na seryosong kinokonsidera ng Pangulo ang ilang indibidwal bilang sunod na DA Secretary. RNT/SA



PBBM may nais pang maisakatuparan bago bumaba bilang DA chief
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento