Overseas voting registration aarangkada sa Dis. 9, 2022

MANILA, Philippines – Simula na sa Disyembre 9, 2022 ang overseas voting registration para sa mga Pinoy na nasa ibang bansa, ayon kay Commission on Elections Chairman George Garcia ngayong Miyerkules.

Magsisimula rin sa parehong petsa ang overseas voter registration sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan.

Samantala, magsisimula sa Disyembre 11, 2022 ang voter registration sa mga embahada na nag-ooperate mula Linggo hanggang Huwebes.

Ang panahon ng pagpaparehistro ng pagboto sa ibang bansa ay tatakbo hanggang Setyembre 30, 2024.

Sinabi ni Office of Overseas Voting Director Sonia Bea Wee-Lozada na ang mga Pinoy na nakatakdang umalis ng bansa ay maaaring magparehistro para sa overseas voting sa Maynila.

“These are for [our countrymen] na palabas pa lamang [who are about to leave the country]. They know that they’ll be abroad on election day sa 2025. So, they can register na po bago sila ma-deploy,” dagdag niya. RNT



Overseas voting registration aarangkada sa Dis. 9, 2022
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento