Belarus binawalang maglaro
LTA pinatawan ng $1-M na multa; Russia, Belarus binawalang maglaro

MANILA, Philippines – Sinampal ng tumataginting na $1-milyon na multa ng Association of Tennis Professionals (ATP) ang Lawn Tennis Association (LTA) matapos hindi payagan ang Russia at Belarus na makapaglaro sa grass-court events.
Nag-ugat ang pagbabawal sa ginawang pananakop ng Russia sa Ukraine.
Binalaan din ng ATP na tatanggalan nila ng ATP membership ng LTA kapag inulit nila ang hakbang sa susunod na taon.
Ikinagulat naman ng LTA ang nasabing hakbang at inakusahan ang ATP na walang ipinapakitang awa sa mga nagaganap sa Ukraine.
Magugunitang pinagbawalan na maglaro ang mga lalaking tennis players ng Russia at Belarus sa Wimbledon dahil sa ginawang paggiyera sa Ukraine.
LTA pinatawan ng $1-M na multa; Russia, Belarus binawalang maglaro
Source: Filipino Pinoys
Belarus binawalang maglaro
LTA pinatawan ng $1-M na multa; Russia
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento