Christmas boxes ipamamahagi na sa Maynila sa Dis. 1
Christmas boxes ipamamahagi na sa Maynila sa Dis. 1
MANILA, Philippines – Sa Disyembre 1 na sisimulang ipamahagi ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa kada pamilyang Manileño ang Christmas boxes bilang regalo sa Kapaskuhan.
Ang naturang pahayag ay kasabay ng isinagawang inspeksyon nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo-Nieto sa mga libo-libong Noche Buena food boxes na ipamamahagi sa mga Manilenyo na nakaimbak sa San Andres Sports Complex.
- Kuha ni Crismon Heramis
Nabatid na nasa 695,000 Christmas food boxes ang inihanda ng lokal na pamahalaan para sa mga pamilyang Manilenyo na naglalaman ng bigas, spaghetti noodles at sauce, corned beef, keso, fruit cocktail, at gatas, na maaaring ihanda ng mga residente lalo na ng mga mahihirap pagsapit ng Noche Buena.
Bukod dito, nasa 160,000 na hiwalay na gift boxes naman ang inilaan ng lokal na pamahalaan para naman sa mga senior citizen ng siyudad.
Sinabi ni Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna, na 2019 pa nang umpisahan ng lokal na pamahalaan ang pamimigay ng Christmas food boxes na walang pinipili mahirap man o may kaya na residente. JAY Reyes
Christmas boxes ipamamahagi na sa Maynila sa Dis. 1
Source: Filipino Pinoys
Christmas boxes ipamamahagi na sa Maynila sa Dis. 1
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post


Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento