162 patay kay ‘Paeng’

MANILA, Philippines- Umakyat na sa 162 ang bilang ng mga naiuulat na nasawi sa Severe Tropical Storm Paeng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa latest incident report nitong Miyerkules.

Sa bilang na ito, 132 ang kumpirmado haang 30 ang bineberipika pa. Karamihan sa mga naiulat na pagkasawi ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may bilang na 66.

Nakapagtala naman sa Western Visayas ng 37 deaths, habang 33 naman sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).

Mula naman sa mga sumusunod na rehiyon ang ilan pang nasawi sa hagupit ng bagyo:

  • Eastern Visayas – 5

  • Zamboanga Peninsula – 4

  • Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, and General Santos City) – 4

  • Cagayan Valley – 3

  • Mimaropa (Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, and Palawan) – 3

  • Central Luzon – 2

  • Bicol Region – 2

  • Central Visayas – 2

  • Cordillera Administrative Region – 1

Walang naitalang namatay sa Metro Manila dahil kay Paeng.

Mayroon pang 29 missing persons, habang 270 naman ang sugatan.

Base sa NDRRMC, tinatayang aabot sa P6.4 billion ang pinsala sa agrikultura habang P5.6 billion naman sa imprastraktura. RNT/SA



162 patay kay ‘Paeng’
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento