kabilang sa nasugatan sa lindol sa Abra
Pari, kabilang sa nasugatan sa lindol sa Abra

MANILA, Philippines – Napinsala ang ilang simbahan makaraang yanigin ng 6.4 magnitude na lindol Martes ng gabi, Oktubre 25 ang Abra at naramdaman sa malaking bahagi ng Northern Luzon.
Ayon kay Fr. Engelbert Elarmo, Parish Priest ng St. Joseph Husband of Mary parish sa Laoag City, Ilocos Norte malakas ang pagyanig na ayon sa PHILVOCS, sentro ng lindol ay sa Lagayan, Abra.
Ibinahagi ng pari na kabilang sa napinsala ang pitong dekadang imahe ni San Jose na bumagsak dahil sa malakas na pagyanig.
Ayon kay Fr. Elarmo na nadagdagan ang mga bitak ng simbahan na unang napinsala nang niyanig naman ng magnitude 7.1 na lindol ang rehiyon noong Hulyo 27.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Abra sampung katao ang nasugatan dahil sa lindol habang ilang simbahan at edipisyo rin ang napinsala.
May mga pagguho ng lupa ang naitala sa Abra-Kalinga road, Abra-Ilocos Norte road at sa Tubo, Abra.
Umapela ng panalangin si Fr. Elarmo para sa kaligtasan ng mamamayan lalo na sa mga lugar na apektado ng lindol na kasalukuyang bumabangon sa epekto ng lindol noong Hulyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Pari, kabilang sa nasugatan sa lindol sa Abra
Source: Filipino Pinoys
kabilang sa nasugatan sa lindol sa Abra
Pari
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento