NLEX
NLEX, SCTEX handa na sa dagsa ng mga biyahero sa Undas

MANILA, Philippines – Handa na ang tollway operators na North Luzon Expressway (NLEX) at Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) sa inaasahang paglobo ng mga biyahero ng halos 10% pagsapit ng Undas.
Sa pahayag, sinabi ng NLEX Corp. na nagdagdag sila ng traffic management measures mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2 upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa NLEX.
Magpapakalat na rin sila ng mahigit 1,000 mga patrol crew, traffic marshal, security team, incident response team at toll lane personnel upang asistehan ang mga motorista.
Magkakaroon din ng mga emergency medical services upang umantabay sa maitatalang mga aksidente.
“We will heighten our operations as we are projecting an increase of around 10% in our average daily traffic of 278,000 at NLEX and 71,000 at the SCTEX,” pahayag ni NLEX Corp. President and General Manager J. Luigi Bautista.
Samantala, hinimok ng kompanya ang mga motorista na magpakabit na ng radio-frequency identification (RFID) upang maiwasan ang mahabang pila sa mga cash lane.
Inaasahan ang long weekend sa paparating na Undas dahil sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang pasok sa Oktubre 31. RNT/JGC
NLEX, SCTEX handa na sa dagsa ng mga biyahero sa Undas
Source: Filipino Pinoys
NLEX
Philippines news
Pinoy Trending
politics
SCTEX handa na sa dagsa ng mga biyahero sa Undas
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento