FDA nagbabala vs 4 ‘kontaminadong’ cough syrups para sa mga bata
FDA nagbabala vs 4 ‘kontaminadong’ cough syrups para sa mga bata

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko hinggil sa pagbili at paggamit ng apat na kontaminadong cough at cold syrups para sa mga bata.
Nauna nang tinukoy ng World Health Organization ang pediatric medicines na substandard. Nangangahulugan ito na hindi ginarantiya ng manufacturer sa WHO ang kaligtasan at kalidad ng mga produktong ito.
Kabilang dito ang Promethazine Oral Solution, Kofexmalin Baby Cough Syrup, Makoff Baby Cough Syrup, at Magrip N Cold Syrup. Gawa ang mga ito ng India-based Maiden Pharmaceuticals Limited.
Sinabi ni FDA director general Samuel Zacate na naglalaman ang mga ito ng contaminants na diethylene glycol at ethylene glycol, na nakalalason sa mga tao kapag ininom.
“[This] may result to abdominal pain, vomiting, diarrhea, inability to pass urine, headache, altered mental state and acute kidney injury, which may lead to death,” aniya sa isang abiso noong Oktubre 21.
Idinagdag pa ni Zacate na ang pediatric medicines, na natuklasan sa African region noong Setyembre, ay hindi rehistrado sa FDA.
“However, it is important to detect and remove these products from circulation to prevent harm to patients,” aniya pa. RNT/SA
FDA nagbabala vs 4 ‘kontaminadong’ cough syrups para sa mga bata
Source: Filipino Pinoys
FDA nagbabala vs 4 ‘kontaminadong’ cough syrups para sa mga bata
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento