Urban parks at green cities tatalakayin sa DENR-ERDB conference

MANILA, Philippines – Upang higit pang mapaunlad ang pamamahala sa urban parks at green cities pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources-Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB) ang regional research and development (R&D) conference kung saan tatalakayin ng urban ecosystem experts mula sa Southeast Asia ang tungkol dito.

Sa pamamagitan ng “R&D Conference on Urban Parks and Green Cities: A Sustainable Future in Southeast Asia” ay pagsasama-samahin ang mga delegado mula sa mga bansang kasapi at magkakaroon ng diyalogo ng mga partner ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) mula Oktubre 11 hanggang 13 sa Metro Manila.

Sa press statement layunin ng kumperensiya na magkaroon ng platform para sa gobyerno, research community at mga institusyon para sa pagpapalitan ng impormasyon na mabubuo sa R&D kung saan target nito ang pagpapaunlad at pamamahala sa parks at green cities.

Kaugnay nito ninanais din dito na matalakay ang mga kasalukuyang isyu at concerns, knowledge gaps, at mga pagsubok na kinahaharap sa urban parks at green cities.

Samantala si DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang naatasang magbigay ng keynote speech sa kumperensiya. Samantala, itatampok din sa event na ito ang mga dalubhasa sa larangan ng urban ecosystem at mga component nito na sina: Dr. Simplicia A. Pasicolan at Dr. Gem B. Castillo ng Pilipinas; Prof. Yun Hye Hwang ng Singapore; at Dr. Zulkiflee Abd Latif ng Malaysia.

Ibabahagi ni Dr. Pasicolan na siyang first division chief ng bagong tatag ng Urban Ecosystem Research Division ng ERDB ang kahalagahan ng mga kaalaman sa kasalukuyang isinasagawang research tungkol sa green at resilient urban communities.

Sa kabilang dako, tatalakayin naman ni Dr. Castillo ang pagpapaunlad sa urban biodiversity, ecosystem at economics. Ito rin ang kasalukuyang Chairman of the Board ng Environment and Economics Center for Studies, at National Director ng Economy and Environment Group Philippines.

Samantala, pangungunahan naman ni Associate Professor Yun Hye Hwang ng National University of Singapore’s Department of Agriculture, ang pagtalakay sa pamamahala at epekto ng urban parks. Santi Celario



Urban parks at green cities tatalakayin sa DENR-ERDB conference
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento