hirit din ni Pia Cayetano
Total ban sa POGO, hirit din ni Pia Cayetano

MANILA, Philippines – Pabor si Senador Pia Cayetano sa total ban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dahil hindi nakatutulong ang industriya sa peace and order ng bansa bukod sa mababang koleksiyon.
Isa lamang si Cayetano na tumangging suportahan ang POGO dahil base sa nakaraang pagdinig ng Senate committee on ways and means kasama ang public services, gusto nang tuldukan ng ilang senador ang operasyon sanhi ng social cost na idinudulot sa lipunan.
Sa press conference matapos dumalo sa pagdinig ng badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi ni Cayetano matagal nang may deliberasyon o pagtatalo kung tuluyang ipagbabawal o papayagan ang POGO sa pamamagitan ng mahigpit na regulasyon.
Pero aniya, walang katumbas na halaga ng koleksiyon sa buwis na ibinabayad ng POGO sa buhay na nawawala sanhi ng kriminalidad na ginagawa ng sindikatong may kaugnayan sa dito.
“I am fine for total banning. Hindi ko alam ang detalye pero wala tayong napapala dahil walang halaga ng buwis na maaaring i-justify ang pagkawala ng buhay, worse, wala pa tayong natatanggap,” giit ni Pia.
Kamakailan, gumulantang sa bansa ang sunod-sunod na pagdukot at pagpatay sa Chinese nationals na may kaugnayan sa POGO.
Bukod kay Pia, pabor din si Senador Grace Poe na tuluyan nang tuldukan ang operasyon ng POGO sa bansa dahil “nilulunod” ng negatibong kahihinatnan ang benepisyong nakukuha sa industriya.
“Kung pag-uusapan natin ang social cost, siguro higit pa sa lahat, puwede natin i-qauntify ng lahat ng samples na ibinigay sa atin at sa kasong ito, nahigitan ng negatibong kahihinatnan ang benepisyong nakukuha, dagdag ni Poe.
Samantala, sa kanyang pagdalo upang ipresenta ang badyet ng Office of the President, inihayag naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kasalukuyang tinatalakay ng Office of the President ang isyu sa POGO.
Aniya, bukas ang Palasyo na makipagtulungan sa Senado at naghihintay lamang sila ng konklusiyon ng imbestigasyon ng Senado. Ernie Reyes
Total ban sa POGO, hirit din ni Pia Cayetano
Source: Filipino Pinoys
hirit din ni Pia Cayetano
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
Total ban sa POGO
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento