Panuntunan sa Christmas gatherings ipinaalala ng DOH
Panuntunan sa Christmas gatherings ipinaalala ng DOH

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infections lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan na maraming mga pagtitipon at selebrasyon.
Paalala ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, dapat lagi pa rin nakasuot ang face mask sa mga crowded na lugar at lagi ring isipin na ang virus ay lagi nang nariyan kasama nating namumuhay.
“Gusto lang natin magpaalala sa ating mga kababayan, lalong lalo na parating na ang Kapaskuhan at dito na tayo nagkakaroon ng mga parties nagkakaroon tayo ng group activities [and] company outing because of the celebration of Christmas. Sana po lagi nating tatandaan ang virus ay kasama pa rin natin marami pa rin pong nagkakasakit. Marami pa rin pong vulnerable sa atin lalong lalo na ang nakakatanda,” sabi ni Vergeire sa press briefing.
Umaasa rin si Vergeire na ang mga establisyimento at mga kumpanya ay magpapatupad na ang mga dadalo sa gatherings lalo sa loob ng establisyimento ay bakunado.
Umapela si Vergeire sa publiko na magdoble ingat at laging tignan kung ang sitwasyon ay nararapat para magkaroon ng mga aktibidad.
Lagi rin aniyang tatandaan ang safety protocols para hindi na dumami pa ang magkakasakit sa paparating na Pasko. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Panuntunan sa Christmas gatherings ipinaalala ng DOH
Source: Filipino Pinoys
Panuntunan sa Christmas gatherings ipinaalala ng DOH
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento