MARAMING SALAMAT SIERRA MADRE

Mukhang natututo na ang marami saating mga kababayan sa ginagawang paghahanda sa tuwing may paparating namalakas na bagyo.

Ilang araw bago ang pananalasa ngSuper Typhoon ” Karding” (International name: Noru), nagbabala na agad ang mga kinauukulan sa inaasahang pananalasa nito.

Sinuspinde agad ng mga alkalde angpasok sa mga opisina at paaralan. Gayundin, hindi na pinapasok ng nationalgovernment sa trabaho ang mga kawani ng pamahalaan para makasama angkani-kanilang mahal sa buhay sa oras ng pananalasa ng bagyo.

Ang lahat ng sangay ng gobyerno namay kinalaman sa paghahanda sa kalamidad ay mabilis na nagsipag-alerto.Bagama’t may mga lugar na pininsalaang bagyong Karding sa pag-landfall nito sa bahagi ng Luzon, marami ang sobrangnamangha sa mabilis na paghupa ng super typhoon.

  May mga lugar na inaasahang sasalantain ng bagyo ang hindi na nito halos nadaanan. Marami tayong mga kababayan nanakahinga nang maluwag sapagkat nakaligtas sa pagkawasak ang kanilang mgabahay, pananim at buhay.

Sabi tuloy ng marami, sisiw namanpala si Karding na ikinukumpara sa lakas ng bagyong Ondoy at Yolanda. ‘Yan angkanilang akala. Lingid sa kanilang kaalaman, anginaasahang lakas ng bagyong Karding na mananalasa sana sa ilang bahagi ng Luzonay humina sa tulong ng Sierra Madre.Ang Sierra Madre na siyangpinakamahabang bundok sa bansa na nasa eastern corridor ng Luzon island, aymatagal nang nagsisilbing tagaprotekta sa Metro Manila at ilang probinsiya laban sa mga kalamidad.

Matagal nang nagiging epektibong”barrier” ang Sierra Madre laban sa malalakas na bagyong parating mula sa  Pacific Ocean bago pa manalanta sa Luzon. “It was one of the factors that weakened the typhoon because a storm weakens after a land interaction. SierraMadre is a rugged terrain so Karding naturally lost some strength,” ayon nga saisang weather specialist.Maraming-maraming salamat SierraMadre.Ngunit sadyang tampalasan at walangutang na loob sa Sierra Madre ang sangkatauhan sa kabila ng naitutulong atmabuting naidudulot nito sa buhay at kabuhayan ng marami. Patuloy na sinisira ng iba’t ibang aktibidadng mga tao ang forest habitat ng Sierra Madre.

Ang mayamang resources nito ay matagal nang panahong ginagahasa ng illegal logging operators, mining atdevelopment projects, kung kaya naaapektuhan na rin ang kanyang ecosystem at kakayahan nitong maprotektahan nang lubusan ang Luzon sa mga bagyo.

Sinasabing ang forest degradation ngtinatayang 1,400 ektarya kada taon sa pamamagitan ng iligal na pagtotroso,pagkakaingin, fuel-wood collection, illegal hunting at residential expansion aypatuloy na sumisira sa kabundukan ng Sierra Madre. Dapat nang kumilos ang lahatpara protektahan din ang Sierra Madre.

Imbes na patuloy na wasakin atpabayaan, kinakailangang kumilos ang gobyerno, ang lahat ng ahensiya at ang mgatao sa pag-rehabilitate at conservation ng mga natural na “barriers”sa bansa kagaya ng Sierra Madre.



MARAMING SALAMAT SIERRA MADRE
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento